How to stop loving someone who does not love you (Tagalog version)

1. Kapag nag-uumpisa na siyang lumayo sa 'yo, 'wag mo siyang habulin. Makikita mo ang sarili mo sa susunod na buwan na hindi ka pa tapos, hindi mo pa kaya. Makikita mo na iiwan ka na niya sa lugar na palagi kayong nandoon at hahanapin ka sa buhok ng mga babaeng hinahalikan niya. Makikita mo kung gaano ka ka wasak habang ikinukwento niya lahat nang sekreto mo sa kanyang mga kaibigan. Maiiwan kang umiiyak habang napapalibutan ng warak mong sarili na inapak-apakan niya lang, at titingnan ka sa mga mata habang sinasabing linisin mo ang mga kalat na 'yan.

2. Kung hindi siya makakapagsabi sa 'yo ng salitang 'mahal kita' nang nakatingin sa 'yo o nagkabuhol-buhol ang pagsasalita, 'wag mong isipin na kasalanan mo. Wag mong isipin na kasalanan mong lumayo siya. Hindi ikaw! Minsan may mga taong nararamdaman nilang may kulang.  At ikaw ang pupuno sa kakulangang iyon, pero 'wag ka! Wag mong punuan ang kakulangan nila habang ikaw'y unti-unti na ring nawawala. Wag mong pabayaang unti-unti kang mawasak dahil gusto mong maging perperkto sa huli. Hindi mo kailangan iyon.Hindi ikaw ang babae sa mga fairytales. Tao ka, hindi bagay na gagamitin lamang.

3. Huwag mong hayaang hawakan ka niya para lang sa huli ay bibitiwan ka lang din. Alam ko ang pakiramdam habang unti-unti kang nahuhulog na wala namang sasalo. Isipin mong ang lahat ng magagandang bagay na nangyari sa inyo noon ay unti-unti nang nawawala. Isipin mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Minsan kailangang lumayo sa isa't-isa para mahanap ang sarili. 

4. Umiyak ka lang. Kasi kailangan mo siya.

5. Umiyak ka lang. Pero 'wag ka ng bumalik sa kanya.

6. Sa mga susunod na mga buwan makikita mo kung paano ang mapag-isa. Maiiwan kang nakaupo sa isang sulok habang nakatunganga, habang muhing-muhi ka sa sarili mo at sa buong mundo dahil masakit - masakit ang masaktan. Inisip mo na ano ang kulang bakit siya nawala, sana ginawa mo ang ganito, ang ganun.. sana..sana..sana. Pero 'wag mong isipin 'yan. Hindi na maibabalik ang nakaraan, hindi na maiibalik ang pagmamahal na nawala sa kanyang puso. Hindi ka na niya kayang mahalin ulit. Huwag mo nang sayangin ang panahon mo sa kanya. Hindi mo kailangang tapusin ang storya ng buhay mo dahil hindi na siya ang bida dito. Huwag mo nang ibalik ang nakaraang pilit kang nilalason. Ang magandang gawin na lang ay mag move-on.

7. Maswerte ka pa rin na kahit na nakaupo ka sa malamig na konkreto ng inyong banyo habang umiiyak, naiiaahon mo pa rin ang sarili mo upang kumain, magbihis at matulog; 'yun ang malaking bagay na naitutulong mo sa iyong sarili. Lumakad ka sa harapan, 'wag kang lilingon.

8. Pilitin mong ibalik ang sarili mo. Ibalik mo ang masayahing ikaw, ang ngiti, ang tawa, ang sigla.  Tapalan mo ang sugat ng kahapon, kulayan mo ulit ang kasalukuyan, gawin mong liwanag ang bawat dilim ng kahapon sa hinaharap. Hawakan mo ang mga bagay na nakikita mo sa paligid, lahat sila ay totoo. Na ngayon ay nasa kasalukuyan ka at hindi sa nakaraan. Hawakan mo ang paa mo. Ang buhok mo. Ang aso mo. Hawakan mo ang damo sa harapan ng bahay ninyo, diba malambot? Hawakan mo ang telepono ninyo, pero 'wag mo siyang tawagan. Hawakan mo ang kamay ng magulang mo, nandiyan lang sila para sa 'yo.  Hawakan mo ang isang taong nakita mo sa daan ng walang halong pagmamahal, hawakan mo sila at isipin na sila rin ay may pinagdadaanan sa buhay. Magtiwala ka sa sarili mo kahit wala ka ng tiwalang magmahal ulit. Okay lang 'yan. Magiging okay ka rin at marerealize mo na hindi mo kasalanan ang lahat. Minsan may mga taong nawawala ang pagmamahal. Okay lang 'yan. Okay lang 'yan. Maiisip mo rin na hindi mo talaga sila kailangan at hindi sila worth-it panghinayangan.

"How to stop loving someone who does not love you." /// r.i.d (via introv-erted)
(via 2amconversations

Tagalog version by Whiteangel

Comments

Popular Posts