The Aftermath

forum.china.org.cn

Day 17: 

Pagkatapos ng travel namin ng mga friends ko balik na naman ulit kami sa boring naming life. Sa sobrang boring gusto ko na ngang mag suicide gamit ang sinulid na pula para atleast kulay ng dugo. Pero dahil naboring din ako sa ganung set-up 'di ko na tinuloy. Naisip ko na lang na lumundag sa bintana pero dahil 5 meters lang yung taas ng bintana sa terrace namin dahil dun ang bagsak mo 'di ko na rin tinuloy magkakapasa ka lang sa paa, sayang ang flawless kong binti no!

giphy.com


Napadaan ako sa harap ng salamin ng mapasigaw ako sa nakita, agad akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Napailing ako, grabe na talaga ang mga multo ngayon wala na ring hiya-hiya kung magpakita. Napatigil ako at dahan-dahang pumasok sa kwarto para tumingin ulit sa salamin, napamulagat ako sa nakita hayop ako lang pala 'yun. Napabuntong-hininga ako, atleast ako pala 'yun.

Agad kong tiningnan ulit ang mukha ko, nangitim na ako sa init doon sa Malaysia mygoodness! Yung mukha ko mas tuyot kay sa nakaraang linggo na na depressed ako, ang eyebags ko pwede na talagang ipakilo sa merkado. Narinig ko ang pag tunog ng cellphone ko agad kong tiningnan ang mensahe:

"God! ang mukha ko nasunog!" alam kong tili iyon ng kaibigan ko para kasing rinig ko rin hanggang sa kinatatayuan ko eh.

"Samehere" reply ko.

Naisip ko okay na rin 'yun atleast sunog lang nakuha namin doon 'di rin naman mapapantayan ang saya na dala ng byahe na 'yun eh. 


psd.fanextra.com

Pagkalipas ng isang linggo, akala ko okay na ako sa lahat-lahat. Pero hindi pa pala, naiisip ko pa rin siya magpahanggang ngayon at ang tanging nagagawa ko lang ay mapabuntong-hininga. Naisip ko darating din ang araw na makakamove-on ako totally maghintay lang ako. Di naman ako nagmamadali, iisipin ko na lang na journey na naman 'to sa panibagong experience sa buhay ko. 

Lahat naman tayo maraming dadaanan at pagdaraanan, ang mahalaga kung paano mo harapin ang bawat problemang darating sa 'yo. Kung paano mo sosolusyunan ng may pagiging mature ng isipan. 

Basta ngayon, happy na dapat ako. 


tiraderas-web.blogspot.com

Comments

Popular Posts