The second time (Tagalog version)

(Source: funny-gif-1, via chiimargarita)

Nung iwan ako ng unang lalaking minahal ko hindi ko ko inisip na magmamahal pa ako ulit o may magmamahal pa ulit sa akin. Ang iniisip ko lang kung baka nakakita na ng iba ang ex ko at naiwan akong kawawa. Pero lahat nagbago ng makilala ko siya. Siya na nagbigay kulay ulit sa madilim kong mundo, siya na hindi nagpatulog sa akin sa halos madaling araw ng buhay ko.

Nang magmahal ako ulit maraming nagbago. Nung una kasing relasyon ko para siyang isang panaginip lang. Parang wala akong pakialam noon sa paligid ko. Minahal ko kasi siya ng buong-buo. Binigay ko ang lahat ng pagmamahal sa puso ko nang hindi nag-iisip, kaya nang maghiwalay kami lahat ay gumuho sa akin. Naiwan akong luhaan at kaawa-awa. Akala ko hindi niya ako sasaktan pero nagkamali ako. May mga tao talagang iiwan ka lang at sasaktan sa huli. Na parang baliwala lang ang mga masasayang alaala ninyo noong nakaraan. Kaya ngayon marami na akong natutunan sa una kong relasyon at magiging isang malaking gabay sa akin sa hinaharap. 

Nang magmahal ako ulit, naikumpara ko ang una sa ikalawa. Pero okay lang 'yon. Natural lang 'yon. Kasi sinisikap mong maunawaan ang lahat sa ngayon. "Bakit hindi niya gusto ang beans? Bakit yung ex ko gusto naman niya ito?." At marami pang bagay na naiikumpara ko sila sa isa't-isa. Yung maiisip ko na pwede palang akong umibig ng iba ulit ay parang bago lahat sa akin iyon. Ang pagmamahal ko sa bago ngayon ay parang isang bagong lugar na hindi ako pamilyar at kailangan ko ng mapa. Pero okay lang pala iyon. Ganyan talaga. Tinanong ko nalang siya ng tamang daan papunta sa kanya.

Nang magmahal ako ulit, para akong na amnesia. Hindi ko na maalala kung paano magmahal ulit. Siguro dahil sa labis akong nasaktan. Parang nakakapagod nang magsimula ulit. Parang nakakapagod na ipakilala ulit ako sa mga magulang niya, yung 'starting again phase'. Nakakatakot isipin. Parang yung pagsakay sa besiklita at nung mahulog ka ay nakakatakot na ulit mag try.

Nang magmahal ako ulit, naging mas baliw ako. Kung noong sa una kong minahal ay naging baliw ako, ngayon mas mababaliw ako. Noon lahat bago sa akin kaya okay lang ang magpakabaliw-baliwan sa taong mahal mo. Pero ngayong alam ko na ang lahat ng mga pakiramdam na ito, ay hindi na bago sa akin. Yung parang nandito ako ha? Wag mo 'kong kalimutan. Yung natatakot kang mawala siya pero ang mas bagay na natutunan mo sa una mo ay hayaan nalang kung saan siya masaya. 

Nang magmahal ako ulit, siguro mas magaling na akong pasayahin siya. Wag kayong mag-isip ng iba, oo yun din yun. Sa time na ito napapag-usapan na namin ang paglilipat niya sa bahay o ang pagpapakasal. Parang more on sa adult phase na kami. Dahil siguro mas nag mature na kami. Pero wala akong idea kung ano ang adult love na tinatawag nila, pero siguro yun yung ipagtimpla ko siya ng kape sa umaga o siguro mas mabuting mag-alaga kami ng aso. "Ito pala ang aso namin na si Xander. Alaga namin siya ng ikalawang lalaking minahal ko. Yung unang lalaki kasing minahal ko, ayaw sa aso".

Nang magmahal ako sa ikalawang pagkakataon ay hindi na parang yung una. Yung unang pagkakataon kasi para siyang hindi makatotohanan na hindi na pwedeng ulitin pa. Pero okay lang. Yung ikalawang pagkakataon ay makatotohanan naman na eh. Ito na siguro ang pinakamagandang love story na hinihintay kong mangyari.


(via mvriecivrrv)

Translated to tagalog by Whiteangel

Comments

Popular Posts