Skater Girl (Tagalog Version)

Ang pag i-skateboard ay mahirap gawin, gaya ko na gustong-gusto ito. Makikita mo sa iba na parang napakadali lang sa kanila pero sa totoo lang mahirap talaga. Marami kang dapat isaalang-alang bago magsimula at pag-aralan ito. Kailangan mo ng tibay ng loob at determinasyon (parang ang seryus ko naman doon sa tibay ng loob). Hindi ko gustong malaman dahil gusto kong maging 'IN' pero dahil gusto kong matuto.

.


Step:
1. Bumili ng skateboard na angkop para sa'yo at madaling matutunan. Huwag mag settle dahil maganda siya sa paningin mo. Huwag basta-basta bumili lang kung saan, magtanong sa mga kakilala kung saan mas magandang bumili na maganda ang quality. Remember: safety first.

2. Pumili ng magandang board. Dahil skate boarder ('yun ang tawag ko sa nag i-skateboard.hehe), din ang mga pinsan ko ay nagtanong ako sa kanila kung anong magandang board. They recommend me a small board instead dahil nga beginner pa lang ako at madaling matutunan sa maliit na board. (Sorry ang board na ginamit ko sa picture ay hindi angkop para sa akin, para lamang iyan sa professional skater.)

3. Gumamit ng safety gears. Ang pag i-skateboard ay hindi pampaganda/pampogi lamang, gumamit kayo ng safety gears katulad ng helmet, elbow pads, knee pads etc. Mas maganda pa rin na isipin ang kaligtasan. Huwag n'yong i-risk ang buhay n'yo dahil sa hindi ninyo pag gamit ng mga safety gears na ito.

4. Bumili / gumamit ng angkop na skate shoes. Pumili ng angkop na sapatos para sa kaligtasan. Ma ii-advise kong maganda ring bumili sa Vans. Kailangan yung komportable ka at hindi hadlang sa pag iiskateboard mo.

5. Magsimula ng mahina. Hindi mo kailangang magmadali, matutunan mo rin 'yan tiwala lang. Hindi ko ikinakahiyang ilang beses na rin akong natumba sa pagsakay dito, ganun talaga. Magsimulang balansehin ang sarili sa board. Kaliwang paa sa board tapos kanan. Magbilang hanggang sa mabalanse na ang sarili. Unti-untiin ang pag-aaral, sa huli makukuha mo rin 'yan.

6. Pag-aralan paano mag Ollie . Ang Ollie ay ang tinatawag nilang pag sakay mo sa board. Una kailangan mong malaman ang basic na steps sa Ollie. Alam mo ang kambyo at reaksiyon ng katawan mo. Kumuha ng mas magandang pwesto na maaaring maging komportable ka. Ikalawa, pag alam mo na kung paano mabalanse ang sarili mo gawin ang sumusunod: ilagay ang paa sa gitna ng board at ang isa sa hulihang bahagi ng board. Mahirap gawin pero kailangan mo munang matutunan ito bago ang lahat. Kailangan alam mo rin paano patigilin ang skateboard sa pamamagitan ng paglagay ng hulihang paa sa semento. Yan lang ang mga basic na dapat n'yo munang matutunan. 

7. Sumama sa mga marunong mag skate. Humanap ng mga kaibigang mahilig ding mag skate, masarap pa rin ang marami pag gumagawa ng isang bagay. Mas mainam pag alam na nila para maturuan ka na rin kung paano. 

8. Maging humble. Hindi dahil alam mo na kung paano mag skate ay para ka ng kung sino. Mas maganda pa rin na humble ka.

9. Mag search kung paano gamitin. Alamin ang mga iba't-ibang bahagi ng skateboard, mas maganda na alam mo talaga ang bawat parte. Katulad ng deck, bearings, trucks, wheels, grip tape etc.

10. Alamin paano mag skate. Magsearch sa you tube, maraming mga tricks kang mapapanuod. Pero mas mainam pa rin na lumabas at mag practice. 

11. Huwag matakot mahulog. Ang takot ay natural lamang sa tao, kung una mo pa lang itong ginawa natural lamang iyon. Pero kailangang 'wag matakot, ang pagkahulog ay parte lamang ng pagsasanay. Pero kailangan mo ring gumamit ng mga safety gears, huwag munang gawin ang mga mahirap na tricks. 

Marami pang mga kailangang malaman pagdating sa pag ii-skate. Kailangan lamang na alam mo at mahal mo ang ginagawa. Huwag mag madaling matuto, step by step kung baga. Maganda pa rin na maging mahusay ka sa huli. 

Happy skateboarding everyone! ;)


Paalala: Ang naturang blog ay nanggaling lamang sa opinyon ng blogger. Hindi siya professional skater, nagbabahgi lang siya ng mga nalalaman. 



Galing ito sa english blog : Skater Girl


Comments

Popular Posts