Bakit Ako Maghihintay Sa'yo?


www.mrwallpaper.com

Author's Note: Dahil ramdam ko ang babae sa music video na napanood ko kagabi ay naisipan kong isulat ito.

Nakaupo ako ngayon sa isang coffee shop na pagkakitaan namin ni Chad. Mag lilimang buwan na kami at sa limang buwan na 'yun masaya naman ang relasyon namin. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may message siya sa akin.

"Babe, sorry i can't be with u tonight".

Laglag ang balikat na napatingin ako sa malayo, ilang meet up na ba namin ito na lagi nalang siyang 'di nakakasipot? Hinayaan ko nalang kahit i feel disappointed. 

Ilang araw nang nasa apartment si Chad at dahil hindi ko pa siya pinapatawad sa ginawa niya sa akin ay sinuyo ako; binigyan ako ng isang dosenang rosas at maraming chocolates na paborito ko at may matching tickets pa ng kalalabas na Begin Again. At siyempre dahil alam niyang fan ako ni Keira Knightley kaya nawala na tuluyan ang tampo ko sa kanya.

Huwebes. Araw ng panunuod namin ng movie. Excited pa ako habang tinitingnan ang bago kong stiletto na kabibili ko lang sa Aldo. Tiningnan ko pa ang reflection ko sa harapan kung okay lang ba ang suot ko na dress.

Maya-maya nag ring ang fon ko.

"Hello, babe?" excited na sagot ko.

"Babe, sorry hindi ako makakapunta--" pinatay ko na agad ang tawag niya sa sobrang disappointed. Nilamukos ko ang ticket na dala ko habang nanginginig sa galit. 

Dali-dali akong lumabas sa movie haus na 'yun para lamang ma shock sa tagpong nakita ko. Napatingin ako ng matagal at pilit inaaninag kung siya talaga 'yun. Pero siya talaga at hindi ako nagkakamali. Si Chad may kasamang babae, akay niya ito papasok sa loob ng taxi. Napatingin siya sa gawi ko at nakita ako ngunit hindi man lang ako pinuntahan o hindi man lang naguilty. Umalis na sila habang ako ay naiwang tulala sa tabi hanggang sa hindi ko na napigilan at naiyak na ako. 

Kinaumagahan nandoon na naman sa apartment ko si Chad at nagmamakaawa.

"Sino siya?" sigaw ko.

Walang salita ang namutawi sa bibig niya.

"Sino siyaaa!?" nagwala na ako sa sobrang galit.

"Babe, listen iibreak ko na siya, naghihintay lang ako ng timing".

Natulala ako sa narinig, so hindi lang pala ako ang babae sa buhay niya?

"Umalis kana! Umalis kanaaa!" taboy ko sa kanya.

Umalis naman siya at naiwan na naman akong umiiyak at kawawa. Pero hindi niya ako tinigilan ng sumunod na araw, pinursue niya pa rin na patawarin ko siya hanggang sa binigyan niya ako ng singsing na may nakasulat na "Will you marry me?". Gulat ako at naroon na naman ang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa isang salita niya natutunaw na agad ang galit ko sa kanya. Ang saya ko lang ng araw na 'yun habang yakap ko siya, yes we're getting back together and yes, inaacept ko ang proposal niya. Tanga na ako pero mahal ko talaga siya. Anyway, ako naman ang pakakasalan niya kaya ayos lang 'yun.

Isang araw, naimbitahan si Chad sa isang gathering ng friend niya for a fashion show. Magkasama kaming pumunta ni Chad ng araw na iyon, as usual excited na naman akong makasama siya. Nasa loob na kami ng venue at nakakapit ako sa braso niya ng walang ano-ano'y bigla niyang binawi ang braso sa kamay ko at umalis sa tabi ko papunta sa mga babaeng nagkukumpulan. Wala akong nagawa kundi napatingin lang. Hindi ko alam kung anong gagawin at mararamdaman ko. Parang pinunyal ang dibdib ko ng mamukhaan ko ang babaeng katabi niya. It was the same feeling back then, para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nanginginig. 

Nakatawa pa si Chad habang inaakbayan ang babae at teka! Habang pinapakita sa mga kaibigan ng babae ang kamay niya na may singsing! Katulad ng sa akin! Dahan-dahan kong tiningnan ang kamay ko habang ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. 

Nagvibrate ang cellphone ko at binasa ko 'yun.

"Hintayin mo nalang ako sa bahay" doon na tumulo ang luha sa mga mata ko, ang sakit.. Ang sakit-sakit! Napaka walang-hiya niya, hindi na talaga siya nahiya sa ginawa niya.

Padabog ang ginawa kong pag-alis pero pumihit ako pabalik at pumunta sa kanila ni Chad. It's all or never!

Tiningnan ko ang babae habang giliw na giliw na pinapakita ang singsing niya. Naroon na naman ang walang katulad na sakit. Hinubad ko ang singsing sa kamay ko at nilagay sa kamay ng babae. Ah! Magkatulad talaga.. Pati hugis nito. Napatigil ang babae habang shock na napatingin sa akin, tiningnan ko siya ng patuya. Manghang tumingin sa akin si Chad, agad ko rin siyang tiningnan at walang ano-ano ay sinampal ko siya ng ubod-lakas, 'yung lahat ng lakas na natitira sa akin. At yung lahat ng pagmamahal na natitira para sa kanya, sinampal ko na sa kanya at umalis na.

Ito yung video:




Comments

Popular Posts