Sentosa, Singapore


Hey there, summer! Siloso Beach Resort in Sentosa Singapore, isa lang 'yan sa beach resort sa Sentosa Singapore.

Sentosa... ahhhh! Isang popular island sa Singapore na pinupuntahan ng mga turista. At sinasabing pinupuntahan ng almost 5 million people a year lang naman, ayun kay Wikipedia. Ang pinakatanyag na puntahan ng mga tao dito ay ang Fort siloso, dalawang golf courses, dalawang five-star hotel at ang famous na The Resorts World Sentosa featuring the theme park Universal Studio Singapore (sa next blog ko na i fe-feature 'yan).




Siguro nakapunta na kayo dito and i know just like me ang masasabi n'yo ay superb. Nakailang beses na rin akong nagpabalik-balik sa paraisong ito at hindi ako nauumay sa kagandahang binibigay niya. 

May tatlong Beach ang Sentosa ang Siloso Beach, Palawan Beach at Tanjong Beach na lahat ay makikita sa pinakahulihang station. Mula sa Vivo City makakarating ka ng Sentosa via Sentosa Express ($4 dollar admission fee at pwede ka ng umiikot sa buong isla), o bus, taxi, cable car kahit lalakarin mo lang, astig diba?




Tara, samahan n'yo akong libutin ang Sentosa gamit ang mga larawang nakalap ko. 




Thanks to my model.. ang pinakamaganda kong kaibigan (meet Tinay). 




Pagdating mo sa station pwede kang maglakad papuntang beach o kaya sumakay ka ng bus for free.




Marami kang madadaanang mga resto.






Tinatry din namin ang Sentosa Luge and Skyride, and the best!




Ito ang luge.. ang sarappppppp!





At ito naman ang skyride.


Sumakay rin kami ng cable car worth $19.




Napaka breath taking sa taas. :)




The sunset was so amazing, hapon na kasi kami sumakay kaya na witness namin ang papalubog na araw sa dako pa roon. 




Parang ang sarap-sarap lang sa pakiramdam habang nakatanaw, the silhouette!






Nakita rin namin mula sa taas ang The Resorts World Sentosa.




Yan naman ang Vivo City.



Ahhhhhhhhhhhhh... spectacular!

Sentosa at night naman ang peg namin. The whole day ang saya saya lang namin. The adventour was so much fun. Sana kayo rin pag pumunta kayo dito magigigng masaya ang buong araw n'yo. Until sa next blog ko. 

For more info about Sentosa, kindly visit their page.






Comments

Popular Posts