Ang Pakikipagsapalaran ni Whiteangel sa mundo ng pagmomove-on - Day 2

Wala akong ganang bumangon ng araw na ito, parang kay bigat ng dinadala ko. Tiningnan ko ang nasa ibabaw ko at nakita ko si Baby Boy (stuff toy ko na aso) at masarap ang pagkakahiga sa ibabaw ng katawan ko. Putek! kaya pala ambigat eh.

harrystylesweb.blogspot.com

Bumangon na ako at ala una na pala ng hapon, chineck ko ang cellphone ko at nagbabakasaling nagtext siya sa akin. Nanlumo lang ako ng makitang may dalawang text: mula sa kanya at sa kaibigan ko. Bakit ako nanlumo? Dahil alam kong hindi na gaya ng dati ang imemessage niya sa akin. Siyempre, hindi ko na binuksan ang message niya tiningnan ko nalang sa labas : Goodmorning, have a nice day :).

Napailing ako, sino ba naman ang gaganahan na maging masaya ang araw mo kung siya nakamove-on na ikaw hindi pa.

Parang gusto kong magwala pero dahil nandito ang pinsan ko nagwala nalang ako sa loob ng sistema ko. Ang hirap na parang sumisikip ang lalamunan mo na parang gusto mong sumigaw: Hallelujah!

Binasa ko ang text ng kaibigan ko: Hey, jogging tayo maya. Napatigil ako, brilliant idea. Dahil linggo naman ngayon at walang ginagawa, doon ko nalang ibuhos ang atensyon ko. At dahil kasapi ko rin ang babaetang iyan sa #tropangheartbroken ay alam na alam ang nararamdaman ko. Mabilis ang pagtipa ko : Sureness.
Kinahapunan, alas singko nasa bahay na siya. Parang gusto ko siyang itapon nalang sa bintana dahil sa walang kaene-energy. Grabe! pag dalawang tao ang heartbroken para lang namatayan ang peg ninyong dalawa.

Tinusok ko ang pisngi niya.

"Jojogging pa ba tayo o magpapamesa tayo para sa mga patay?".

Tumingin siya sa akin na parang robot, tsk! i never thought na ganito rin ako katulad niya. Tumango lang siya.

"Tara!" hatak ko siya sa braso habang pababa kami pero ang tunay na motibo ko talaga ay ihulog siya. hihihi

Nasa lugar na kami kung saan magsisimula na kaming mag jogging, nagstretch muna kami sabay tingin sa isa't-isa.

depositphotos.com
"Go?" sigaw ko.

"Go!" sigaw niya rin.

youqueen.com
Habang tumatakbo kami ito ang sounds namin:


Sabay namin binabaybay ang daan, wala kaming imikan hanggang sa naunahan niya ako. Napangiti ako.
Sa pagmomove-on kasi kailangan mo munang magready, hindi basta-basta dahil wala na kayo makamove-on ka kaagad. Marami ka pang pagdadaanang proseso bago maging okay. Gaya namin ng pagjojogging, kailangan mo muna ihanda ang sarili mo. At bago ka magsimula magstretch ka muna para mapaghandaan ang pagtakbo, mahanda mo ang katawan sa matinding pagtakbo.

Dahan-dahan sa simula para hindi mabigla ang katawan mo sa mga sakit napgdadaanan. Ganyan ang buhay sa simula mahirap pero kakayanin.

Naphinto ako after ng 2.5km, matagal na rin kasi akong hindi nakaka jogging. Napahinto rin ang kaibigan ko.

"Kaya?" sigaw niya sa malayo.

"Kaya!" sigaw ko rin. Hindi naman masamang magpahinga muna pagnilay-nilayin na dapat magforward ka lang, go straight at wag lilingon.


Matapos ang mahigit isang oras at 7km na jogging namin ay natanaw namin ang bridge. Ang ganda lang ng view dahil papalubog ang araw. Tumambay muna kami doon at nag-usap ng mga kabaliwan namin sa buhay.



At naisip ko, hindi pala ako nag-iisa sa journey na 'to, kasama ko rin siya. Kasama ko siyang pagdadaanan ang sakit ng pagmomove-on, hindi ko pa man nakikita sa kinatatayuan ko ang pagsikat ng araw ng makamove-on ako pero alam kong darating kami doon.

Nakatulong din ang pag jojogging hindi lamang sa physical na aspeto kundi pati sa emotional na aspeto. Narerelease nito ang stress na maaaring hindi angkop sa katawan mo.



Pagkatapos ng dalawang oras na paglilibot ay napag pasyahan na naming umuwi, sa daan humanap kami ng masayang mapag-usapan. Pero dumarating pa rin kami sa puntong natatahimik at alam namin sa isa't-isa na nandoon pa rin ang sakit. Pero alam naming kaya namin ito, tiwala lang.

Natapos ang araw ko na medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi dahil nasaktan ka magmumuokmok ka nalang. Isipin mo who you siya pag nakamove-on ka! :)

Comments

Popular Posts