Sana Ako na Lang Siya (Alab ng Katawan)

http://sex-thrill.tumblr.com/page/4


Author's note: Dahil thursday ngayon mag to-throwback tayo. Hindi ko alam kung bakit ko nasulat ito pero okay naman ang kinalabasan.
Originally posted sa Definitely Filipino.
Paalala: Patnubay ng magulang ay kailangan medyo censored ito. hihihi


http://sex-thrill.tumblr.com/page/4



Nagsimula nang gumalaw ang ating katawan. Basang-basa sa pawis at humihingal dahil sa papatinding alab. 

Tanging ang ungol lamang ang maririnig at ang ingit ng kamang kinahihigaan natin. Napakapit ako nang mahigpit sa beywang mo habang inuugoy ng bawat galaw ng ating katawan. Papabilis ang bawat galaw natin. Habol ang paghinga habang walang pakialam sa ating paligid. Inabot mo ang aking mga labi at iyong buong alab na hinalikan. Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahinto ka pansumandali.

"Bakit?" maang na tanong mo.

"Wala, just go on," sabi ko.

http://sex-thrill.tumblr.com/


Sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa aking isipan. Isa na doon ang katotohanang hindi ako ang gusto mong kaulayaw kundi ang dati mong kasintahan. Siya pa rin ang hinahanap mo sa aking katawan. Siya pa rin ang binabanggit mo sa bawat ungol na lumalabas sa bibig mo. Siya pa rin ang nagbibigay-buhay sa iyong uhaw na katawan. Siya pa rin ang nasa puso't isip mo. At alam kong hindi na magbabago ang ganoon. Hindi na magbabago kailanman.

Ako ay isa lamang na nagpapatid ng kauhawan na iyon. Ako lamang ang nagpapaligaya, hindi sa emosyonal na aspeto, ngunit sa pisikal na aspeto. Ako na lamang ang nagbibigay-buhay sa iyong pagkalalaki. Ang siyang nagiging takbuhan mo sa oras na ika'y nangangailangan.

At ako ay sunud-sunuran lamang sa lahat ng gusto mo. Ako na siyang gumagawa ng paraan para ikaw ay masarapan sa bawat gabing pagniniig natin. Ako ang tubig na nagbibigay-buhay sa iyong lalamunan.

Ngunit lahat ng iyon ay dahil sa isang bagay. Mahal kita; yun lang yun.

Bakit kaya hindi mo makita ang bagay na iyon? Bakit bulag ka pa rin sa pag-ibig sa babaeng tinalikdan ka na. Bakit hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto mong makasalo sa gabi? Bakit siya pa rin ang hinahanap-hanap mo at gustong makatabi?

http://sex-thrill.tumblr.com/


Hindi ko maiwasan na mainggit sa babaeng iyon. Ang babaeng nagpapatibok sa puso mo, ang laging laman ng isip mo. Maibibigay ko naman ang kaya niyang ibigay. Magagawa ko naman ang kaya niyang gawin. Mamahalin kita at hindi iiwan. Aalagaan kita at hindi sasaktan.

At tanging hiling ko lang... sana ako na lang.  Sana ako na lang ang nasa isip mo sa tuwing tayo'y magkasama.  Sana ako na lang ang iniisip mo sa bawat paghaplos na ginagawa mo.  Sana pangalan ko na lang ang sinasambit mo sa bawat pag ungol mo.  Sana masabi mo ring mahal mo ako. Sana ako na lang siya.

Sana… Sana..

http://sex-thrill.tumblr.com/page/4


Ngunit sapat na sa akin na ika'y makasama. Sapat na sa akin na mabigyan kita ng ligaya. Kahit alam kong ang kapalit nito ay ang pagkadurog ng puso ko. Handa akong ibigay ang puso, katawan at kaluluwa ko…

http://sex-thrill.tumblr.com/page/4


Comments

Popular Posts