Who Lit Up My 2015?
At dahil nainspired ako sa post ni Saab Magalona na Who Lit Up Your 2015? kaya nag post rin ako ng akin at inggitera ako, paki n'yo?
I don't like December kasi it means magtatapos na ang taon at gagawa na naman ako panibagong New Year's Resolution na kahit isa hindi ko naman magawa, i know nakarelate kayo - and i know 'yung una sa listahan n'yo ay papayat kayo (taas ang dalawang kamay).
Ano nga ba ang nangyari sa 2015 ko? I can say, marami akong natutunan at nag mature pa ako lalo na harapin ang buhay. Every failure na dumaan sa buhay ko ay nagkaroon ako ng lakas na bumangon at suungin kung ano man ito. Nadapa man ako ng paulit-ulit, bumangon pa rin ako dahil alam ko kaya ko at may tiwala ako sa sarili ko. Minsan, gusto ko na ring sumuko pero heto ako ngayon mas tumatag pa.
Ngayon narealized ko rin na doon ka dapat sa magpapasaya sa'yo. Gawin mo ang bagay na alam mong magiging masaya ka regardless ng sasabihin ng iba. It's your life, after all.
Kailangan ko na rin sigurong hanapin yung mga bagay na dapat doon masaya. At hindi ako gi give-up doon.
At sa lahat ng bagay, mas maganda pa rin na dapat naka sorround ka sa mga taong magbibigay sa'yo ng kasiyahan at kapanatagan. I have few but they are true to me.
So, let's raise our glass sa mga taong iyon, right Sabby? Kampai!
Sa Panginoon
Siya ang unang-una kong pasasalamatan sa lahat-lahat. Siya yung nandiyan palagi sa aking kapag mag-isa, malungkot, umiiyak at wala akong makausap. He never fail to give me the love that i deserved. Kahit minsan, nakakalimutan ko siya lagi niya pa ring pinaparamdam na kailangan kong bumalik sa kanya kapag namamali ako nang lakad.
Hindi ko man maintindihan yung mga bagay na hindi n'yo maibigay sa akin pero alam kung may rason kayo sa lahat. Salamat at mahal na mahal ko kayo.
Sa Pamilya ko
Kahit saan ka magpunta, kahit ano pa ang mangyari sa'yo; Family will always be Family. Sila 'yung taong hindi ka iiwan kahit anumang nagawa mo. Sila ang iintindi sa'yo sa oras na hindi mo maintindihan ang sarili mo. Sila ang dadamay kapag nasa kalungkutan ka. Sila ang magbibigay ng payo kapag litong-lito ka na.
Sa aking Mama, na iniintindi ako kahit anumang attitude mayroon ako; salamat ng marami. Sa mga kapatid ko na kahit malayo sa akin alam kong mahal nila ako. Sa mga pamangkin ko, mahal na mahal ko kayo. Kay Papa, alam kung ginagabayan n'yo ako lagi.
Sa mga Kaibigan ko
Alam kong kunti lang sila, pero sila yung mga taong hindi talaga ako iiwan kahit 'bitchmode' ako lagi.
Sa bestfriend kong si Yen Yen, I love you and miss you Nene. Nakalampas na tayo ng 7 years kaya talagang friends forever na tayo at wla ka nang magagawa doon. Thank you kasi kahit minsan lang tayo mag-usap (dahil malayo tayo sa isa't-isa) tayo pa rin ang nagdadamayan sa mga problema natin. Kahit may pamilya kana, you still looking and cared for me. Thank you. See you soon.
Sa mga close friend ko: Tinay, Puday, Bruhaha, Monique, kayo talaga ang kaibigan ko na kaya kung takbuhan kahit anong oras. Salamat sa walang sawang pagtawa at pag-iyak sa akin. Mahal ko kayo.
Wala man akong lablayp ngayon, pero kailangan kong maging masaya. Kahit ngayong Disyembre ako iniwanan (insert: Ang Disyembre ko ay malungkot) ng lalaking mahal ko kailangan ko pa rin maging masaya. Kailangan ko pa ring mag move-on, maging matatag dahil ganyan talaga ang buhay. Maaaring wala na siya sa buhay ko pero kailangan ko pa ring umusad para sa aking kinabukasan at para sa taong 2016. Kakayanin ko ito. And i BELIEVE i will (feelingera.haha).
Salamat rin sa pagbibigay nang malusog na pangangatawan sa akin kahit na may sakit ako. Hindi ko maramdaman na mayroon ako nun dahil hindi ko iniisip. Namumuhay ako nang parang normal. Minsan man akong dapuan ng depresyon pero i beat it up, i make it to the point na hindi ako patatalo doon.
Kaya here's a toast to all the memories, moments - bad or good, people we love, people who hurt us - at kailangan natin silang patawarin because they deserve it. Kailangan nating maging masaya at harapin ang panibagong taon ng may ngiti at saya. Because we deserve to be happy.
Thank you for the Wonderful Year, Thank you 2015.
Comments
Post a Comment