Oo, Pinaasa Niya Lang Ako, With Reservations

“And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with a paasa”.
Sa panahon ngayon, marami ang mga paasa. Yung tipong mahuhulog ka sa kanya pero hindi ka naman niya sasaluhin. Yung magpasweet-sweetan sa’yo pero ginagawa niya rin pala sa iba - takenote: behind your back. 
Lahat naman tayo nag-aasume eh, kasi yun yung pinapakita nila sa atin. Hindi mo kasalanan kung nahulog ka sa kanya kasi sinong tao ang hindi mahuhulog kung binibigyan ka niya ng atensiyon. Dapat sa simula pa kung wala talaga, ‘wag nang ituloy ang paglalandian kung wala naman palang planong i-pursue. 
PINAASA ako in all caps lock:
1. “Pinaasa mo lang ba ako?” awkward ‘pag tatanungin siya di ba? Kasi minsan kahit hindi natin sinasadya mahuhulog pa rin tayo dun sa taong laging nandiyan sa atin. Pero, king-ina naman sana ‘wag ka nang landiin-back kung ayaw kang panindigan di ba? Kasi, kahit magsolve ka ng Math problems buong gabi kung hindi mo talaga makuha ang sagot, all you need to do mag-assume ka nalang talaga.  
2. Yung alam niya ang feelings mo pero nagbubulag-bulagan lang siya kasi paasa nga siya. Sa huli, iiwan ka ring nakanganga at magsisigaw ng “pina-asa-niya-lang-ako!”.
3. Mabait siya sa lahat, sweet siya sa lahat pero hindi niya sinasabing hanggang kaibigan lang kayo. 
4. Hindi dahil nakikita niyang nahuhulog ka na sa kanya, iiwanan ka lang agad, with reservations. CONDOM men, CONDOM!
5. Sadyang makitid nga talaga ang isip ko kasi sa lahat ng bagay na ginawa niya ultimo paghatid sa bahay ay binibigyan ko ng halaga. 
6. Sino ang hindi ‘hopeless romatic”? Sino ang ayaw na may happy ending? 
7. Kung sa simula pa lang na ayaw ka niyang paasahin, sasabihin na niya o ‘di kaya’y ‘wag papakita niyang wala talaga.
8. Hindi sa pagiging impulsive ‘yan, talaga lang na nabibigyan mo ng kahulugan kasi ganun talaga siya ‘paasa’ lang. Pero sana ‘yung mahal ko, mahalin rin ako.
Hindi naman lahat ng tao paasa, sadya lang nahuhulog ka sa kanya. Pero sana kung sa simula pa lang kung ayaw niya rin sa’yo huwag na siyang magpakita ng motibo. Hindi naman lahat ng tao eh tanga, sadyang nagtatanga-tangahan lang. 
At kung ayaw mo siyang saluhin, kausapin mo muna bago ka mag dis-appear. Closure- (kahit anong klase pa ‘yan ng mayroon kayo) is the first point of MOVING ON.
(From the “Pinaasalang-point-of-view”)

-Whiteangel

Comments

Popular Posts