Kailangan Ba Talagang May Closure?



Sa panahon ngayon, ang starting point ng pag momove-on ay ang tinatawag na CLOSURE. Aminin man natin o hindi, minsan ka lang makakatanggap o hindi ka pa nakaka experience ng closure sa mga nakarelasyon mo. Na kahit ni-ha-ni-ho wala, hindi na nagtetext o nagpapakita, diba ang sakit nun? Pero masasabi ba natin na kapag nakakuha na tayo ng closure sa relationship natin mawawala ang pain o magiging okay tayo?

So hiningi ko ito sa kanya: Closure. So nag meet kami halfway. Kung ikaw ang iniwanan, it is normal to ask for another chance. Pero pa'no kung ayaw na niya? Paano kung nawala na lahat ng nararamdaman niya sa'yo? Kaya mo bang marinig iyon sa kanya? Kaya mo bang harapin siya habang umiiyak ka na sinasabi niyang : Wala na talaga! Kaya mo bang isipin na iyon na ang huli n'yong pagkikita? Kaya mo bang i-absorb ang sakit kaharap siya? Kaya mo bang nakikita ang mukha niyang wala ng pakialam at hindi ka na niya mahal? Kaya mo bang umalis sa kinatatayuan mo dahil kailangan na; times-up na! You need to go separately. 

Di ba hindi rin magiging okay? Ganun pa rin ang pakiramdam sa;iniwan kang walang dahilan at iniwan ka dahil hindi ka na mahal. Ang kaibahan lang, sinabi niya sa harapan mo ang masakit na katotohanan kaysa hinayaan niyang maramdaman mong ang mensahe niya dahil hindi na siya nagpaparamdam. Oo, mababaliw ka sa kakaisip bakit ka niya iniwan. Hindi ka rin ba mababaliw sa kakaisip dahil iniwan ka niya at alam mo ang rason dahil sinabi niya? 

Naisip ko, kahit alin sa dalawa masasaktan ka pa rin. Makuha mo man ang sagot o hindi, aalingawngaw pa rin ang katotohanang AYAW NA NIYA!

Ang ginawa ko nalang I cried a lot kasi masakit. I mourned for the lost love. Pero kailangang mag move on pa rin tayo kasi nabubuhay tayo hindi para sa kanila kundi para sa sarili natin. Mahalin natin ang sarili natin by accepting the truth and move forward. Maiwanan ka man ng maraming memories pero lagi mong isipin, it's their lost. Hinayaan nilang mawala ang taong mahal na mahal sila at kaya silang tanggapin kahit ano pa sila.

So, cheer up! Makakita rin tayo ng taong papantayan ang pagmamahal natin sa kanila. 

So kayo,  do you still want a closure? 


Comments

Popular Posts