Pasko
http://theprofessorspersonalchroniccalls.blogspot.sg/ |
Noong bata pa ako, excited ako kapag Christmas, sino ang hindi? Ang saya-saya naming maglagay ng medyas sa aming bintana para lagyan ni Santa Claus nang regalo at kinabukasan, Tadaaa! ang dami-daming candies at chitchirya. Nang tumanda na ako at nalaman kong si Mama lang pala ang naglalagay nang regalo na 'yun, nawalan na ako ng gana.haha Pero di ba ang saya pa rin ng pakiramdam na dahil mabait ka binibigyan ka nang regalo ni Santa Claus?
http://genutsu.blogspot.sg/ |
Ngayon, medyo nakakalimutan na ang tradisyon na'yun. Iba pa rin ang panahon noon kaysa ngayon at marami na talagang nagbago. Ang hindi nalang nagbabago ay kung paano icelebrate ng Pilipino ng may saya ang Pasko.
Last year, I celebrated my Christmas with my families. Halos kumpleto kami nun kahit nandito kami Abroad.
This year, though I'm with my Mother and some relatives it's still not so happy. Lahat naman tayo nakararamdam na may kulang kung kulang yung family natin in that 'wonderful time of the year'. Kasi para sa akin ang Pasko ay nagsisimbulo ng kapanganakan ng ating Diyos at kailangang icelebrate natin na sama-samang magkapamilya; to unite (even once a year with loved-ones), to pray for good life, to believe nothings impossible, to dream for the future, for peace to one another and to love unconditionally. Ipinanganak si Jesus para sagipin tayo sa mga kasalanan and i-remind tayo na Jesus is a symbol of love so we should love one another.
Minsan lang din tayo magkasama-samang magkapamilya dahil sa may iba't-ibang commitments na tayo sa buhay kaya dapat sa araw na ito maging kumpleto tayo. Hindi na importante kung paano natin ipinagdiwang ang Pasko ang importante magkasama tayong nagsimba at nagpasalamat sa Panginoon.
http://natividad-christmasaroundtheworld.blogspot.sg/ |
Isa lang naman ang hiling ko - na sana ang family ko ay magkaroon ng: good health, good career, and good love-life.
I also pray that people around the world will unite and to have peace.
Merry Christmas everyone from my family to yours. Have a happy holidays!
Comments
Post a Comment