SkyPark at Marina Bay Sands Singapore
Dahil nag bakasyon ang kapatid ko dito sa Singapore nung Disyembre, hinila niya ako kung saan-saan. Kaya ang kayamanan ko ay naubos lamang sa kanya, sana pinambili ko nalang nang lalaki 'yun, diba? Diba?!
Nasa kultura na nating mga Pilipino na kapag tayo ay nakapagtapos at may mga kapatid pa tayong nag-aaral, tayo ang magpapaaral sa kanila. Especially kung wala ka pang asawa at anak. In short, loser ka! hahaha joke lang.
At dahil nga BIG L ako kaya ako ang nag papaaral sa kapatid ko. Parang ang sarap lang pakiramdam na nakakatulong tayo sa ating pamilya kahit ganun lang. (Ganun lang? Hindi ganun lang! Dahil isasakripisyo ko muna ang sarili ko dahil sa kanya! Chos! Kontrabida talaga 'tong other side ng utak ko.) Pero seriously, iyon na ang nakamulatan natin, di ba? Hindi dahil responsibilidad natin sila kundi na rin dahil mahal natin sila kaya natin ginagawa iyon. Dahil ikaw naman ang nakatapos gusto mong suklian ang ginawa ng magulang mo sa'yo. O sige na, hindi naman dahil diyan ang blog na 'to (parang may hinanakit pa! pffft!)
Anyway, mabalik tayo sa paghila niya sa akin sa kung saan, kaya nagpunta kami sa Marina Bay Sands.
Ang Marina Bay Sands ay isang tanyag na gusali dito sa Singapore na nakaharap sa Marina Bay. Ito ang ikalawang pinakamahal na gusali sa buong mundo, mind that! Nakatayo ito sa 15.5 na ektarya ng lupa na may taas na 581,00 square meters. Nagbukas ito noong ikadalawampu't pito ng buwan ng Abril taong 2010 (hirap namang managalog!) Ang gusaling ito ay kinabibilangan ng hotel, restaurant, convention at exhibition, theatres, entertainment venues at iba pa.
Ang naturang gusali ay nagtatampok ng limampu't-limang palapag na may 2,561 na mga luxury rooms at suites, at isa na dito ang SkyPark na nasa pinakatuktok ng gusali. Makikita mo dito ang buong syudad ng Singapore. Napaka breathtaking at nakaka amaze!
(source: Marina Bay Sands)
Napakaganda ng view pag gabi. Makikita mo ang Fullerton hotel sa kabilang dako at Garden By the Bay naman kabila.
“If I ever reach heaven I expect to find three wonders there: first, to meet some I had not thought to see there; second, to miss some I had expected to see there; and third, the greatest wonder of all, to find myself there” - Anonymous

Before ka makakaakyat sa SkyPark, you need to buy a ticket worth $19.00.
Hi, from 56th floor :)
Yan ang nagmomodel-modelan kong kapatid.
Pasensiya sa mga litratong hindi kagandahan, hindi kasi ako photographer.. feelingera lang! :)
Abangan ang isa pang beautiful attraction ng Marina Bay Sands sa susunod kong blog: ang famous infinity pool.
“If I ever reach heaven I expect to find three wonders there: first, to meet some I had not thought to see there; second, to miss some I had expected to see there; and third, the greatest wonder of all, to find myself there” - Anonymous
Comments
Post a Comment