Usapang Petiks
Sa panahon ngayon uso na ang malabong relasyon gaya ng hook-ups, FWB
(Friends with benefits),, FUBU (Fuc**** Buddy), Kalandian, Ka SOP/SOT (Se* on
Phone/Text), MU (Mutual Understanding o Magulong Usapan.
Saan nga ba nagsimula ito? At sino ang pumapasok sa mga
ganitong set-up?
Mahirap nang makahanap ng totoong pag-ibig. Yung parang naghahanap ka ng maliit na bagay sa isang unfamiliar place na napakalawak. At sa panahon ngayon, iilang lalaki nalang ang natitirang faithful sa partners nila. Tawag ng laman o lust na lang ang mga nauuso ngayon. Yung sex ginagawa nalang pangkaraniwan ng mga tao sa paligid. Yung 'i love you' naging usual word nalang na maririnig mo.
touchn2btouched.tumblr.com |
Dahil sa teknolohiya at dahil na rin nasakop na tayo ng modernization ng mundo. Maraming kabataan na rin ang pumapasok sa ganitong set-up at may mga adults din na kadalasan ito ang ginagawa nila just to avoid commitments.
Isa-isahin natin ang mga nabanggit na set-ups:
1. FWB o Friends with Benefits. Sino-sino ang mga pumapasok
sa mga ganitong set-up? Yung mga taong ayaw muna sa commitment. Magkaibigan
sila pero may mga benefits silang nakukuha sa isa’t-isa. Kumbaga, nakakasama
nila bilang tropa at nandiyan siya ‘pag kailangan siya. Doon
rin ito papasok sa kategoryang FUBU, dahil minsan tawag ng laman lamang ang
gusto nila sa kaibigan na iyon.
2. FUBU o Fuc**** Buddy. Kadalasan naman sa lahat ng
relasyon o masasabi mo bang relasyon ito, ay takot sa tinatawag na commitment. Iba ang ayaw sa takot. Sila ‘yung hindi pa handa pero dahil kailangan nila ng taong mapaparausan nila
sa tawag ng laman. Maghahanap sila ng taong mag sasatisfy ng needs nila bilang
tao. Walang attachment, purely about sex lang. Hahanapin lang nila ang taong
iyon kapag kailangan nila. Some people na engage dito ay iyong mga busy ring tao
na ayaw nila ng karelasyon dahil sa sobrang ka busy-han nila sa trabaho. Some
people also who are married, yes married! ay pumapasok din sa ganitong set-up.
Why? Because reason are; busy ang asawa nila sa trabaho at walang time sa sex,
nawawalan na sila ng gana sa partner nila at gustong sumubok ng bago o
nalulungkot sila kaya doon pumapasok ang kabit sa story.
3. Kalandian. Uso ito sa mga kabataan ngayon. Kahit
elementary o highschool, they already experienced it. Natural lang naman ang
maglandi but not to the point na papasok ka na sa FWB o FUBU thingy. Isipin
ninyo ang babata pa ninyo at pag-aaral muna ang atupagin. Minsan, those who are
in a relationship did this thing too. Because they are in a relationship wala silang karapatang ipangalandakan ito sa publiko. So ang ginagawa nila nilalandi
nila ‘yung tao behind their partners back/people o minsan sa text o call
ginagawa ang pang checheat so ang never-ending flow ay papasok pa rin sila sa
FWB o FUBU category.
4. SOT/SOP. Dahil sa malayo sa isa’t-isa o ‘di kaya may mga
karelasyon sila, they can't be together so sa text or call nalang nila ginagawa
ang ganoong bagay. Nasty things na minsan hindi mo maiimagine na masasabi nila
through the phone. Wala namang kaso iyon basta’t sana wala silang inaapakang iba. Minsan,
kakakilala lang nila sa Facebook o any social media o ‘di kaya textmate lang
sila. Please be sure na hindi kayo ma cacaught ng mga partners ninyo pero sana be faithful nalang sa partners para walang gulo.
5. At ang very typical ay ‘yung MU o Mutual Understanding o
Magulong Usapan ‘ika nga. Very common na ito sa lahat. Yung ayaw ng commitment
dahil sa maraming rason; dahil nasaktan sa nakaraang karelasyon kaya natatakot
na uling pumasok sa isang relasyon, mahal pa niya ang Ex niya, hindi pa pwede
dahil nag-aaral pa siya at ayaw pa ng mga magulang niya, dahil dalawa sila na
ayaw pang aminin na may feelings na sila sa isa’t-isa, at gusto pa nilang
kilalanin ang bawat isa. Minsan sa ganitong set-up o let’s say kadalasan may
mga feelings na sila sa isa’t-isa. Hindi na purely landian ang nagaganap, hindi
na purely FWB o FUBU ang namamagitan sa kanila because nagkakaroon na sila ng
feelings. It’s okay! Pero ‘wag naman sanang mangyari sa may mga GF/BF o may mga
asawa na. It’s okay kung single ka pa, eventually it will end up na pareho rin
kayo ng nararamdaman. Pero kung one-sided lang pala, eh magpahinga ka
nalang sa banga ineng!
whisper.sh |
Why we tolerate this kind of set-up? Kasi buhay naman nila
iyan eh. Yes! But be sure wala kang inaapakang iba. Be sure at the end of the
day, masaktan ka man choice mo naman iyan. Yung palaging talo dito sa huli eh 'yung mga na fafall-in love. Maiiwan silang sawi kapag ayaw na ng isa sa ganoong set-up. Pero dapat ding isipin na pinasukan mo ito kaya handa ka rin sa kunsekwinsya sa huli. Ang importante, most important
talaga: practice safe sex! Sa panahon ngayon sex is a usual act to do, so dapat
mag-ingat din tayo. Hindi naman nakadadagdag ang pagdala ng condom palagi.
Dapat wais! :)
Comments
Post a Comment