Nandito ako

www.parentspartner.com

Para sa aking magiging anak,

Kung alas tres na ng madaling araw at hindi ka pa makatulog dahil sa kalungkutan

Pakiusap, 'wag kang makipagkaibigan sa isang estranghero sa internet kagaya ng ginawa ko

Matulog ka na

At ipaghehele kita hanggang sa mawala ang lungkot mo

Kung huwebes ng umaga at tinatamad kang lumabas

Hindi kita pipilitin

Bibilhan kita ng ice cream at manunuod tayo ng paborito mong programa, ipaalala ko sa 'yo kung gaano ka kaimportante sa mundong ito

Kung nararamdaman mong wala kang silbi

Papaalalahanan ulit kita na ginawa ka ng may buong pagmamahal at lahat ng sakit na nararamdaman mo, ramdam ko rin

Kung hindi mo na talaga kaya

Ikukuwento ko sa 'yo na noong bente-uno ako, hinananap ko ang katahimikan sa bote ng vodka kasama ang ilang pain killers

Pero pagkaraan ng limang taon

Nung maramdaman kita sa mga bisig ko sa loob ng kwartong iyon

Naisip ko na ikaw pala ang rason kung bakit kinakaya ko pa

Hindi ko namalayan na ikaw pala ang nagligtas sa akin, alam mo ba kung gaano kahalaga 'yun?

Kaya kung nararamdaman mo ring kumuha ng isang bote ng vodka para makalimutan ang lahat, pakiusap anak, huwag! Tara, samahan mo ako ipagdadrive kita kahit saan mo gusto at hanggang gumabi pa

Ipapakita ko sa 'yo kung gaano kaganda ang bukang liwayway sa umaga, para malaman mo kung gaano kaganda ring mabuhay

Anak ko, minsan hindi ko napagtutuonan ang iyong nararamdaman bilang ina mo.

Pero gusto kong malaman mo, importante ka sa akin at mahal na mahal kita.

Comments

  1. Thank you for joining and linking with Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts