Sulat para kay Pee Mak
![]() |
http://9gag.com/gag/a9LBE7D |
*** Ang susunod na sulat ay para sa lalaking muling nagpatibok ng natutulog kong puson este puso pala. :) Sulat ko ito para sa kanya pero sa October ko pa ibibigay dahil magbabakasyon siya. Sana hindi niya mabasa dito. hehehe
Hi Mak!
Mamimiss kita. Kahit naman magkasama tayo
namimiss na agad kita eh! Hihihi Siguro iniisip mo ang korni-korni ko no? May
pasulat-sulat pa akong nalalaman. Paki mo? Eh gusto kong magsulat eh! Para sabihin mo sweet ako, pero sweet naman talaga ako eh..
ikaw lang ang hindi!
Magdadrama muna ako ha?
Salamat sa lahat. Ayun na iiyak na ako.
Hehehe Salamat kasi nakilala kita.. (nagpause muna ako ng matagal.hahaha)
Salamat kasi pinasaya mo ako sa araw-araw. Simula ng makilala kita feeling ko
may silbi na ang buhay ko. Tama nga sila pag pinakawalan mo yung mga negative
forces sa buhay mo may darating na mga positive forces at ikaw ‘yun. (sabi ko
nga iutot ko nalang ‘to!)
Lagi kong pinagdarasal na sana makakakilala ako ng taong masasakyan
‘yung trip ko, ‘yung taong makakaintindi sa akin. Yung magiging kakampi ko sa mga
nilikha kong ‘weirdness’ sa mundo.
Sa ilang beses man ng pagkakataon na
sinusumpong ako ng pagkatopak ko pero inintindi mo pa rin ako at hindi ka nag
give-up hahaha. Alam mong ‘yun ang rason kung bakit walang nagtatagal sa akin.
Mag-dadalawang buwan na rin akong ‘di sinusumpong pero alam mong minsan
sinusumpong talaga ako kapag minsan at malamig pa sa snow ‘yung reply ko sa
text mo. Pero pinipilit ko, sinasakal ko ‘yung sarili ko. Hahaha pakamatay na
daw ako.
Pero aaminin ko sa mga unang buwan natakot
ako. Ilang beses kong tinry na ‘wag ng ipagpatuloy kung anuman meron tayo kasi
alam ko in the end masasaktan lang din ako. Natatakot kasi ako na maiwanan
ulit. Andami ko kasing insecurity sa buhay at ‘yun din ang dahilan kong bakit
masyado akong ‘reserve type’. Simula nung bata ako ‘yung lalaking minahal ko
iniwan lang kasi ako (insert Dance with my father song here).
Salamat kasi nag-eefort ka na pasayahin ako
kahit amboring-boring kong tao.hehehe Yung nakita ko kasi noon sa’yo eh ‘yung
kakulitan mo kaya hindi na tayo nakapag-usap ng matino. Hindi tayo nag-uusap
about sa atin, na ‘pag may nagtatanong kung tayo ‘yung parating sagot natin
‘hindi’. Minsan nalilito na rin ako kung ano nga ba tayo.
Maraming beses kong
tinry na kausapin ka ng seryuso pero lahat nawawala ‘pag magkasama na tayo, ang
kulit-kulit mo kasi. Ilang beses kong itry na sabihin ‘yung nararamdaman ko
pero nauunahan ako ng takot. Noon, ako naman ang unang nagsasabi ng ‘I love
you’ sa kanila eh. Pero pagdating sa’yo hindi ko magawa. Parang natatakot ako
na hindi ko alam. Pa’no kung mahal mo pa ‘yung Ex mo? Pa’no kung gusto mo pang
makipagbalikan sa kanya? Pa’no kung pag-uwi mo at magkita kayo nandun pa pala
‘yung feelings n’yo para sa isa’t-isa? (Paulit-ulit?) Pa’no kung magkakabalikan kayo ulit? Ang
dami kong fears no?
Pero sana
kung ano man ang magiging desisyon mo wala naman akong magagawa eh, 'wag ka lang magpakita sa'kin hayup ka! joke lang hahaha. Basta masaya ka,
masaya na rin ako. Wag mo lang kalimutan na nandito lang ako para sa’yo.
Salamat sa pag-aalala, pagpapatawa, pag-aalaga
at pagmamahal sa akin. Sila man ang first love ko pero ikaw naman ang greatest
love ko.
I love you, Mak! (tulo sipon!hehe)
Mahal na mahal kita hanggang planet Pluto.
Gusto kitang yakapin hanggang ‘di ka makahinga. Gusto kitang halikan hanggang
makalimutan mo ‘yung pangalan mo.
'Gusto kitang alagaan na parang ate mo, gusto kitang pangaralan na parang nanay mo, gusto kitang pasayahin na parang bestfriend mo at gusto kitang mahalin na parang girlfriend mo. Natatakot akong balang-araw hindi ko matupad ang mga 'yun, pero lagi mong tatandaan nandito lang ako lagi para sa 'yo peksman mamatay man!'
O siya tama ng drama, nakakairita! Hehe
Ingat ka diyan. Huwag kang mag-alala sa’kin
dito okay na okay lang ako.
Malulungkot ako na wala ka pero it’s
alright, okay ba tayo diyan?
Pakabait ka diyan ha?
Love,
Nak
P.S. Mak at Nak ang tawagan namin dahil nanuod kami isang araw ng movie ni Mario Maurer na Pee Mak. Nakakatawa siya di ba? Natawa ako dun sa paulit-ulit nila na pagtawag sa pangalan nila.hahaha
So 'yun! Ang cute lang, parang kami :)
Comments
Post a Comment