article.wn.com |
Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig
Alam kong pamilyar kayo sa kantang iyan. Sino namang tao ang ayaw na sana mahalin din siya ng taong mahal niya 'di ba?
Sa panahon ngayon mahirap magmahal ng taong ayaw sa 'yo, kulang nalang isigaw mo sa mukha niya na mahalin mo naman ako kahit kunti lang. Pero hindi mo maaaring utusan ang puso, gaya rin sa kantang ito na baka matutunan mo ring mahalin ang taong gusto ka. Pero paano kung hindi mo talaga siya magustuhan?
Mahal ko o mahal ako?
Natatandaan ko pa 'yan noong highschool pa ako, tinanong sa amin ang "The one you love or the one who loves you?" Ilalagay kasi sa aming official School Paper. Marami ang sumagot ng "The one who loves me" kasi matututunan mo rin namang mahalin yung taong mahal ka atleast mahal ka na niya kaysa taong mahal mo pero hindi ka naman mahal. Pero in reality, mas gusto nila yung the one they loves. Ewan ko ba kung bakit mas gusto nilang mag pa ka martir.
Mahal ko
Big word di ba? Parang sinasabing ang buhay mo. Mas mahilig tayo sa isang love story na ikaw ang naghahabol 'di ba? Yung parang chasing game? Kasi mas masarap sa pakiramdam na mag gusto mo ang isang tao. Pero pa'no kung hindi ka niya gusto? Doon pumapasok ang pagiging mapagtiis natin magustuhan lang rin tayo ng taong iyon. Doon natin nagagawa ang mga bagay na hindi natin akalaing magagawa natin gaya ng 'effort'. Effort dahil ikaw ang kusang lumalapit sa kanya mapababae o lalaki kaman. C'mon! Sa panahon natin ngayon hindi na uso na dahil ikaw ang lalaki, ikaw ang dapat manligaw. Wala ng ganun ngayon aminin man natin o hindi. Napapalibutan at namamantsahan na tayo ng Western culture.
Pero masakit di ba? Kasi yung taong gusto natin may gusto ring iba. Kulang nalang sabihan natin sila na sana ako nalang, ako nalang sana.
Mahal ako
Mahal ka niya, lahat gagawin para sa 'yo. Pero ang masakit hindi mo siya mahal. Sabi ng iba matututunan mo rin siyang mahalin pero paano kung hindi? Paano kung tinry mo pero wala rin, hindi rin nangyari. Ayaw mo siyang masaktan pero mahirap sabihin sa kanya ang katagang hindi kita mahal. Dahil alam mo ang pakiramdam ng taong sinasabihan ng ganoon. Pero mas mabuti pang sabihan mo siya ng mas maaga para hindi na siya umaasa.
Pero may mga tao ring sa katagalan nadedevelop doon sa taong mahal sila. Atleast, mas mahal sila ng taong iyon kaysa sa kanya. Masaktan man siya in the end, kunti lang.
Naiisip natin bakit may mga tragic love story 'di ba? Di ba pwedeng 'pag mahal mo ang isang tao at mahal ka rin niya automatic kayo na hanggang sa huli? Wala ng epal na papasok sa relasyon ninyo?
Pero hindi mo maappreciate ang isang sitwasyon kung wala kayong napagdaan. Mas tumitibay kasi ang pundasyon ng relasyon kung nalampasin ninyo ang mga problema along the way.
Pero kayo?
Mahal ninyo?
O
Mahal kayo?
Comments
Post a Comment