That Thing Called Malas
http://thegoodvibe.co/post/80218011184 |
relaxpics.com |
Overrated na siguro ang topic na ito, kahit ako din nagsasawa na sa topic na SINGLE. Kahit saan ka tumingin at magbasa ito nalang parati ang concern sa buhay, keysa wala kang lovelife. Owkamon! So what diba? Kaysa naman ngumawa ka diyan why don't you enjoy your life being in that place for a while, yes for a while! Dahil baka bukas, sa makalawa hindi ka na single. I mean, hey Jane enjoy enjoy muna tayo.
https://www.pinterest.com/pin/551198441868910017/ |
http://lovecartista.com/2013/11/02/dont-lose-yourself/ I know right? |
https://www.pinterest.com/pin/263179171949823507/ |
Pero sa totoo lang, okay lang naman para sa akin ang maging single pero minsan darating ang time na maiisip mo na sa edad mo ng ito dapat may karelasyon ka na. Kinacalculate ko na nga sa utak mag bebente-otso na ako ngayong taon. Minsan nakakastress din ang maging single ano po? O nakarelate kayo sa 'kin? O talagang maarte lang ako? Kasi hanggang ngayon wala ka pang naipakilala sa pamilya at kamag-anak mo. Kaya pag usapang boyfriend umiiwas na lang ako, nakakawala ng energy 'pag napapag-usapan eh.
May nabasa nga ako sa isang blog kahapon, kasalanan kasi ng mga magulang natin kung bakit naghahangad tayo ng mala-fairytale na klase ng lovelife.
let-me-hear-your-scream.blogspot.com |
Yung noon nabubuhay sa balintataw natin ang kwento ni Snow white, Cinderella, Rapuzel at iba pa na happy ending sila. Na may darating na Prince Charming and we will live happily ever after. Pero walang happily ever after, kahit nag ka asawa ka na hindi mo pa rin alam na magiging happy ending kayo.
Found on iampoopsie.com |
Pero iniisip ko'yung mga taong super lucky kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo (libo-libo) nahanap nila ang destiny, soulmate, ka-fated or whatever nila. I'm so happy sa mga lovers hanggang pagtanda nila magkasama pa rin sila, 'yun ang tunay na True Love.
Yung lalaking mamahalin ka sa kabila ng lahat ng kapintasan mo, diba saan ka pa? Mayroon lang talagang nakatalagang tao sa iyo ang kailangan mo lang ay oras; oras para maghintay sa kanya, kaya 'wag kang mainip darating na siya pramis 'yan!
Found on etsy.com |
Yung lalaking mamahalin ka sa kabila ng lahat ng kapintasan mo, diba saan ka pa? Mayroon lang talagang nakatalagang tao sa iyo ang kailangan mo lang ay oras; oras para maghintay sa kanya, kaya 'wag kang mainip darating na siya pramis 'yan!
http://nychairchronicles.blogspot.sg/2014/09/i-choose-to-be-single.html |
All you have to do is to live life to the fullest. Habang hindi ka pa committed sa iba gawin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sa 'yo. Yung mga bagay na hindi mo magagawa 'pag may pamilya kana in the near future. Lahat naman tayo darating sa time na gusto ng mag settle down at magkapamilya. Maganda pa rin sa huli na handa ka sa oras na iyon. Not only physically but of course mentally, emotionally and most of all spiritually.
So i say... YOLO!
https://www.pinterest.com/pin/545709679823677463/ |
Comments
Post a Comment