THE END: MOVING-ON THINGY
![]() |
fullylivinglife.wordpress.com |
Day 50:
Yes, you read it right.. nasa 50 days na ako ng grieving
period ko. Pero I’m okay now. Hindi na ako gaya ng dati na grabe kung maka pag emo. Binalikan
ko nga ‘yung dati kong blog and I was like ‘The hell, ganun pala ako noon?’. Tama
nga ako nung sinabi ko na ‘kung babalikan ko lang ‘yung araw na ‘to after 3
months baka maiumpog ko ang ulo ko sa pader’. And you see? Hindi pa nga ako
nakaka dalawang buwan and I’m alright now.
It was a roller coaster for me, being in a moving phase
masasabi kong napahirap na parang nakakatakot nang umulit ulit. To tell you
honestly, it blown me up so much that I’m so scared to love again.
Hindi ko naman ginawa ang blog na ‘to para sa akin lang, it
was all for you. Na hindi kayo nag-iisa kung nagmomove-on kayo. Na part lang ‘yan
ng buhay and it’s okay. It’s okay. Huwag kayong matakot sa phase na ito, it’s
okay to feel the depression thingy.. inuulit ko bahagi lang ‘yan ng moving-on
phase. It is alright to feel the pain until it hurts no more.
Makikita n’yo ang sarili ninyo after na makapag move-on na
kayo na ang sarap, ang sarap sa pakiramdam. At deserve mong maging happy ulit,
hindi lang puro iyak at lungkot.
Darating ang time na makakakita tayo ng taong mamahalin tayo
ng tapat. At dahil nga walang habambuhay na salita, ‘yung mamahalin ka lang sa
panahon na iyon ay tama na.
At dito po nagtatapos ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI WHITEANGEL
SA MUNDO NG PAGMOMOVE-ON. Hindi ko sinasabi na nakapagmove-on ako in a short
period of time pero I realized that hindi ko dapat aksayahin ang panahon ko sa
pag-iisip ng malulungkot na bagay. Ang sarap mabuhay, mabuhay ng may purpose sa
mundo. At ang purpose na iyon ay maging masaya ka.
![]() |
jhahoffman.blogspot.com |
Hindi ka dapat magpaalipin sa nakaraan, kundi move forward
to strive for your happiness. Hindi man sa larangan ng pag-ibig pero maaaring
sa larangan ng iyong karera o pamilya. Mas kailangan ka nila at kailangan mo
sila.
Sa lahat ng journey ng buhay, hindi lahat puro malungkot
darating ang time na magiging masaya rin tayo. Aja!
![]() |
happygirlprettygirl.wordpress.com |
Comments
Post a Comment