Dear Adele

Fanpop.com
Hello? How are you?

Nung umalis ka naka moved-on na kaming lahat eh pero bakit bumalik ka pa? Bakit niyanig mo ulit 'yung natutulog naming ka-EMOHAN sa mundo (CAPSLOCK 'yan para INTENSE) nung kumanta ka ulit? Bigla na naman naming nakikita ang sarili namin na nakakulong sa isang madilim na kwarto habang paulit-ulit na pinapatugtog ang lahat ng kanta sa bago mong Album. 

Yung ibang naka moved-on na sa break-up nila, bumalik na naman ang nararamdaman dahil sa mga kanta mo. Yung habang masaya kayong nag geget-together nang mga barkada mo ay bigla nalang narinig mo yung kanta sa background at bigla ka nalang tumayo at sumigaw : Tumigil ka na Adele! 
Diba hassle noh? Kakapanginig ng kalamnan. 

Isang araw nga habang kumakain ako sa isang resto mag-isa bigla ba namang tumugtog yung kanta mo na 'I Miss You'. Napatigil ako sa pagsubo ng fish fillet at biglang lumamlam ang aking mga mata. Nagflashback lahat ng mga memories namin ng Ex ko na mga 4 years ago nang wala na kami. Biglang nag slow-mo yung luhang lumabas sa mga mata ko. At bigla ring may lumapit sa akin, 'Miss, okay ka lang?'. Inismaran ko siya at sabay walk-out. 'Bwisit talagang Adeleng 'yun' sigaw ko, syempre sa isip lang.

Kahit habang sa daan at makakita ka ng estranghero parang gusto mong yakapin siya sa sakit ng nararamdaman mo. Yung parang may namimiss ka na hindi mo naman alam kung sino. Yung gusto mong pumunta sa malayong lugar. 

Yung gusto kong hanapin ka at yugyugin 'Bakit Adele? Bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit?!'

4 years ago nung nagpakasal ang Ex ko sa ibang babae, dumating yung kanta mong Someone Like You, di ba perfect timing lang? Ngayon naman.. ngayon na naman??! May galit ka ba sa'kin? All I Ask lang naman eh Sweetest Devotion niya para sa akin. Saka pa'no ko iseSend ang Love ko sa New Lover niya? Million Years Ago, i was Loving a man in the Dark. Sino ba kasi si Lea at may River pa siya? Siguro siya 'yung Water Under the Bridge no? When We Were Young, the only Remedy for our heartaches was just a candy. Alam mo ba yun Adele? Naiintindihan mo ba ako? (Malamang hindi! Tagalog 'to eh!) 

Bakit kasi ang lakas ng emosyon ng lahat ng mga kanta mo. Hindi ba pwedeng kantahin mo nalang yung 'Focus' ni Ariana? Ikaw yung sa chorus. 

O siya sige na, mag eemo na naman ako dito. Pero mahal kita.

Nagmamahal,
Nag-eemong anghel

PS: Bakit ang ganda-ganda mo?

Comments

Popular Posts