Puso vs Puson

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko; yung sakit sa puso o sakit ng puson. Alin ba ang mas masakit sa kanilang dalawa?

Letche kasi nagkasabay pa ang dalawa, hindi ko tuloy maintindihan na parang matatae ako kung saang parte ng katawang lupa ko ang uunahin kong patatahanin. Para silang mga bata na nag uunahan sa pagpapakarga o pagpapatahan. Gusto ko na nga lang tusukin yung puso ko para tumigil na sa sakit. O suctionin ko lahat ng dugo para mawala na yung sakit ng aking puson.

Para tuloy akong nacoconstipate sa upuan ko habang nagtatrabaho. Gusto kong mag MC pero huli na dahil 10:33 na at sana kanina ko pa ginawa yun di ho ba?

Pero naisip ko at nakatunganga talaga ako na mas mahirap at masakit ang sakit sa puso. Ang puson kasi minsan lang yan dumating sa isang buwan kapag may buwanang dalaw ka. Ang sakit sa puso tuloy-tuloy 'yan hanggang hindi mo alam kung kailan talaga hihinto. Ang sakit sa puso hindi mo 'yan maiinuman ng gamot, o pilipitin ang tiyan mo. Sabi nila huminga ka ng malalim para medyo mawala ang sakit, pero 'pag usapang puso the more you deep breath the more the pain, di ba? Sana pwede kong kainan nalang ng ice cream o chocolate ang lahat ng sakit para mawala na sila. Para kasing hassle kapag in pain ka sa araw-araw kasi marami kang mabibinbing mga trabaho na hindi matatapos. Kapag naman depress ka parang ayaw mo ng gumalaw at gawin ang mga pang-araw araw mong gawain. Parang gusto ko tuloy dukutin 'tong puso ko at ibigay nalang sa mga aswang para wala na akong maramdaman na sakit.

So, anong pinaglalaban ko dito sa blog ko na 'to? Wala! hahaha Gusto ko lang i-share dahil sabog ang buongggggg katawan ko ngayong araw. Ayaw mag function lahat, 'yung kamay ko nalang para magblog ang may isip ngayon. Gusto kong magpagulong-gulong sa sahig kaso nakakahiya naman sa mga kasamahan ko.hahaha Mamaya nalang pag-uwi ko sa bahay. Adios!


Comments

Popular Posts