stuffpoint.com

Masarap kapag mahal ka rin ng mahal mo di ba? Yung tipong kinikilig ka dahil alam mo kinikilig din siya. Yung tipong pang wattpad yung love story n'yo. Kamuntik ko na ngang gawing story sa wattpad. Pero dahil on going pa at hindi ko pa alam ang ending 'wag na muna at baka mabuliyaso pa.

Sarap lang kasi para kang nasa cloud 9, literal! Yung 'pag nag ka nagkasagi kayo parang may boltahe ng kuryente kang naramdaman, literal din!Yung pareho kayo ng nararamdaman na gusto mong sumigaw dahil sa umaapaw na feelings mo at hindi mo maintindihan. Yung parang sa sobrang saya para ka ng mapapaiyak

Exaggerated ako di ba? Pero sino ang hindi nakakaramdam ng ganun? Aminin n'yo man o hindi masarap ang magmahal.

Sa panahon ngayon, bihira ka ng makakakita ng taong loyal at mamahalin ka ng ikaw lang. Pero sino ba ang nagsabing walang sakit 'pag nagmamahal ka. Surely, parte iyon ng pagmamahal; ang masaktan ka. Hindi naman puro saya lang di ba?

Pero dapat samantalahin mo ang pagkakataong mahal ka pa niya, i mean ibigay mo na rin ang best mo pagdating sa relationship. Dahil mahirap na sa huli pagsisihan mong hindi mo nagawa ang mga bagay na sana kung pwede lang maibabalik muli.

Comments

Popular Posts